How To Make Dalgona Coffee Using 3 Ingredients Only



Kamusta naman kayo? It's been a week since our community quarantine. At dahil dyan kung anu-ano na din ang naiisip ng mga tao para maka-survive daily. Ano pa nga ba gagawin natin sa panahon na to? Stay at home at kumain na lang. Dahil coffee lover ako at halos mapuno ang feed ko nitong trending "dalgona coffee" sinubukan ko  na din. Hindi ako basta nagttry ng mga uso sa facebook pero ito, mukhang worth a try. Tara, gawa na tayo!

Original Recipe:

2 Tablespoon coffee
2 Tablespoon sugar
2 Tablespoon hot water

I used hand mixer pero pwede din mano-mano using whisk pero mga 400 times na paghahalo ang kailangan. Pero worth it yan. Kaya subukan mo na din. 

May nakita akong video and Cappucino mixture naman ginawa niya. Eto ang recipe na ginamit ko. Balak ko sana kasi gumawa ng iba pang recipe. Half recipe lang ito, double nyo na lang kung madami kayong kailangan. 

Cappuccino Recipe 

5T coffee
5T sugar
2T hot water

Here's the link sa original video. Pwedeng ifreeze yung mixture for 10 days daw kung napadami gawa nyo. Note: 1-2 Tablespoons ng cappucino mixture okay na kung ayaw nyo ng matapang. Or damihan nyo ang ice kung gusto nyo madami. Pero kung gusto nyo naman magising sa katotohanan, edi damihan nyo para gising na gising na kayo sa realidad. haha



Madami pa pwedeng gawin using the Cappucino mixture, like cafe mocha or vanilla. Subukan ko next time, wala na kami available na milk eh. haha Pwede imix sa hot or cold milk depende sa trip nyo. Both ways masarap! Kaya try nyo na din. Tag nyo ako sa IG or FB kapag sinubukan nyo. 

xoxo
Gen



0 comments